Wednesday, December 25, 2013

Pasumpa-sumpa Ka Pa!


Image taken from ca.news.yahoo.com
Pinangakuan ka na nga, gusto mo pa yata eh! tuparin.
Ano ka sinuswerte?
Iwasan kasi ang madalas na pangako,
Gawin ang dapat gawain ng 'di mapako.
Ayan tuloy at binobomba ka na nila,
'Kaw naman kasi, nasan ang DELICADEZA?

'Di ko maiaalis sa'yo ang magdamdam,
Dahil alam ko na may ginawa ka naman.
Ngunit para sa kanila ito ay kulang,
Kaya ngayon, hiling na mag-RESIGN ka na lang.

Ang pinapangako mo na magliliwanag;
Ang kanilang tahanan sa buong magdamag,
Ngayong Pasko, at hindi ka man lang nahabag,
Hinayaang magdiwang ni walang liwanag.

At iyang ang sigaw ng ilan sa kanila;
Silang mga umasa at walang napala,
Na naghintay na muli at makakakita,
Ng liwanag sa nakaraan na PASKUA.

Eto naman ay pumasok sa isip lamang,
Bakit kasi inuna pa ang pagyayabang?
Manu ba! at sinakatuparan na lamang-
Ang sinumpaang tungkulin sa mamamayan. 

Sa aking tingin ay matalino kang tao,
Lalo't may kinalaman ito sa trabaho,
Subalit nagpabaya ka sa punto na 'to,
Kaya ngayon- lahat ay galit na sa iyo.

Siguro sa susunod 'wag na lang mangako;
Ng lalo at hindi tuluyang kang mapako,
Sa mga tao na iyong pina-aasa,
Dahil sa susunod- t'yak mukha mo'y may pasa.

2 comments: