Wednesday, December 25, 2013

Pasumpa-sumpa Ka Pa!


Image taken from ca.news.yahoo.com
Pinangakuan ka na nga, gusto mo pa yata eh! tuparin.
Ano ka sinuswerte?
Iwasan kasi ang madalas na pangako,
Gawin ang dapat gawain ng 'di mapako.
Ayan tuloy at binobomba ka na nila,
'Kaw naman kasi, nasan ang DELICADEZA?

'Di ko maiaalis sa'yo ang magdamdam,
Dahil alam ko na may ginawa ka naman.
Ngunit para sa kanila ito ay kulang,
Kaya ngayon, hiling na mag-RESIGN ka na lang.

Ang pinapangako mo na magliliwanag;
Ang kanilang tahanan sa buong magdamag,
Ngayong Pasko, at hindi ka man lang nahabag,
Hinayaang magdiwang ni walang liwanag.

At iyang ang sigaw ng ilan sa kanila;
Silang mga umasa at walang napala,
Na naghintay na muli at makakakita,
Ng liwanag sa nakaraan na PASKUA.

Eto naman ay pumasok sa isip lamang,
Bakit kasi inuna pa ang pagyayabang?
Manu ba! at sinakatuparan na lamang-
Ang sinumpaang tungkulin sa mamamayan. 

Sa aking tingin ay matalino kang tao,
Lalo't may kinalaman ito sa trabaho,
Subalit nagpabaya ka sa punto na 'to,
Kaya ngayon- lahat ay galit na sa iyo.

Siguro sa susunod 'wag na lang mangako;
Ng lalo at hindi tuluyang kang mapako,
Sa mga tao na iyong pina-aasa,
Dahil sa susunod- t'yak mukha mo'y may pasa.

Tuesday, December 24, 2013

KalbU-TUBE

Medyo matagal na itong isyu na ito,
Naisip lamang bigla at tungkol kay kalbo.
At nasa-saan na kaya itong komiko?,
Bakit 'di pa lumabas pas'yahin ang tao?.

At naging kontrobersyal ang kanyang ginawa,
Nakita ng publiko kanyang paghilata.
Nabastusan daw ang mga relihoyoso,
At panukala nila dalhin sa Senado.

Sabihin na nating nagkamali si kalbo,
Alam naman ng lahat na walang perpekto.
Lahat tayo'y nagkakamali't kahit na sino,
Pupwedeng humingi ng tawad at magbago.

Bigyan natin sya ng isang pagkakataon,
Hayaan nating muli s'ya ay makabangon.
Nakalimutan n'yo na ba? at kada-hapon,
May hatid s'yang ligaya na kaniyang baon.

Para naman sa'yo kalbo kumilos ka na,
Humingi ng tawad sa'yong pagkakasala.
Unahin mo ang DIYOS sa iyong listahan,
Pangalawa sa lahat ang naapektuhan.

Siguruhin mo lang na ikaw ay sinsero,
'Pag namali muli may tama ka sa ulo.
'Yan ang tiyak na aabutin mo sa TRIO
Kaya kung ako sa'yo gawin ng TOTOO.

Ito ay  payo lamang na may kapilyuhan,
At kung uulitin nagawang kamalian.
Siguraduhin lang na kami'y masi-syahan,
Ka-DUO naman ang isama try mo minsan.-NGEK!

Miss Inter-RATIONAL...Nga!


Bea Rose Santiago Miss International Philippines 2013 Crowned.
Photo Credit: Bb. Pilipinas
Image taken from www.starmometer.com

Sikat na sikat ngayon ang isang bulaklak,
Dahil sa parangal sa isang patimpalak.
Buong bayan sa kanya ay pumapalakpak,
Hatid sa ating puso ay tunay na galak.

Yes mga Sir! at mga Ma'am kayo ay tumpak,
Nasungkit ang korona at 'di ito pilak.
Ang pang-unang parangal ay kanyang tinanggap,
'To'y bunga ng pagsasanay at paghihirap.

Ngunit may ilan sa 'tin na mga kritiko,
Kinaawaan daw lamang kaya nanalo.
Ayos! Susmaryosep! Ano ba naman kayo?
Panalo na gusto n'yo pa yata'y matalo.

Dapat magpasalamat sa ating natamo,
Paminsan-minsan lamang ang katulad nito.
Kaya sana'y magsipag-saya na lang kayo.
At kinilala na naman ang Pilipino.

Ipagpalagay natin na kinaawaan,
At sila na siguro ang may kasalanan.
Dahil doon wala na tayong pakialam,
Dahil sila naman ang magmumukang hunghang.

Parangal na tinanggap ating karapatan,
Karapat-dapat lamang dahil pinaglaban.
Kanyang pinaghandaan at pinagsanayan,
Upang makamit lamang unang karangalan.

Mga kritiko manahimik na lang kayo,
Personal na buhay asikasuhin ninyo.
At kung ayaw makipag-saya na lang kayo,
Dahil tagumpay na naman ang lahing Indio.

Nagpapakwela lamang po ang lingkod ninyo,
At kung si Boy Abunda ang nanalo rito.
Maisip kayang KINAHABAGAN  lang ito,
Ang sa tingin ko ay HINDI, tyak na NILUTO!.


RATIONAL: based on or in accordance with reason or logic.

Be Nice...to be Happy

Image taken from www.123rf.com
Oh! Ano gets nyo?  BE NICE nga 'di ba!


Tumabi - tabi ka na at daraan na sya,
Itaas na ang harang at parating na;
kumilos na habang maaga-aga pa,
baka abutan ka eh! tamaan ka nya.

Napanood lamang po ng inyong lingkod-
Isang eksena malapit-lapit sa bakod.
Talagang nagulantang sa aking nakita,
Kakaibang eksena mga Guards ang bida.

Laman ng balita ang bawat eksena;
Sa YouTube nga, usyoso'y nag-Fiesta,
Kitang-kita sila't kanilang harapan,
Yung isa pa nga gusto ay barilan.

Gwardiya at politiko ay nagtagpo;
Sila'y nagbangayan dahil sa isang pinto,
Ang siste, ayaw daw silang paraanin,
Bodyguard ni Boss nagkarga ng magasin.

Eto pa nangyari at hagip ng CCTV;
Bumaba isang babae suot ay Fancy,
Mukhang sabi pa  "Wait! I can't see,"
Anong gulo ito? Ano ba nangyare?

Itong si Boss hinugot kanyang phone;
At tumawag sa kanyang mga Pawn,
Dating agad, dinipensa kanilang Throne,
at mga Guard hinulog sa kahon.

Ganto ba dapat kung ika'y nasa itaas?
Di ba dapat mas umiwas sa pintas;
Lalo na't POLITIKO at pwesto'y mataas,
Di ganyan dapat ang sa inyo'y maranas.

Katungkulan ninyo ang magsilbi-
At lalong hindi ang panggugulpi;
Ng taong aba at talaga namang api,
"Be Nice"  Boss para everybody Happy.

Saturday, December 21, 2013

Pass Ako..Pasko..Sakto

Bawat sulok ng mundo'y ibang iba na,
Malamig na simoy dadampi na sa mukha.
Magagandang himig talagang naglipana,
Yan ang pasko ano at handa ka na ba?

Nabanggit ko ang pasko tara na't himayin,
Ano ba talaga ang ibig sabihin?
Meron bang kahulugan sa'yong damdamin,
Sige nga! at ating ng isa isahin.

Sabi nga ni Lolo pasko raw ay para sa bata,
Sabi naman ng iba'y para rin sa matanda.
Kahit pa nga sa may ngipin o wala.
Sa lalaki't babae gayun din sa bakla.

Noong ako ay bata at lalapit kay Ninong-
Laging tanong sa 'kin, "Ano ginagawa ko roon?"
S'yang sagot ko naman "Pasko po ngayon!"
Oo nga anak kaya ,"Pass ako ngayon."

Pasko sa kanya yan ang meaning,
Wala kaming matanggap kahit isang kusing.
Kahit pa nga kami sa kanya'y maglambing,
Wa epek pa rin at umuuwing crying.

Kaya ng magka-isip naiba ang pananaw,
Pasko pala ay kawangis rin ng ilaw.
Na sa ating puso'y nagbibigay tanglaw.
At sa ating damdamin, yang ang malinaw.

Pasko'y hindi lamang para sa regalo,
Na iyong matatanggap sa twing sasapit ito.
Lalong hindi sa perang maaginaldo,
At sa magarang damit, Oh! Ano gets mo?

Eto ang malinaw at tiyak na sakto,
Kuhulagan ng pasko, yan ay si Kristo.
Kaya matuto ka na kilalanin ito,
Sisiguruhin ko sa iyo araw araw ay pasko.



Haiyan...Hayan!

Alas otso 'y media Sabado ng umaga,
Ako'y nagulat at biglang napatayo na,
Malakas na ingay narinig ng tenga,
Hayan! Naku po! Bagyo ay heto na.

Oo! Korek ka dyan! At bagyo nga po–
Biglang sumulpot at di naglaho,
Nagbuga ng hanging animo'y delubyo.
Taob ang tamaan at di na makatayo.

Pagpasensyahan na po aking mga kataga,
At baka makagamit ng masakit na salita.
At talagang asar na itong may akda,
Kundangan naman kasi dito pa bumaba.

Tinamaan ng lintik di kaya nag-iisip,
Dito pa umistambay talagang sumiksik.
Naglibot sa kabahayan lahat ay sinilip,
Binagyo ang lahat kahit pa ang nagiisleep.

So, ako ay bumangon at nagalis ng muta,
Lumabas ng kwarto't dumiretso sa kusina.
Naghugas ng baso at isang kutsarita,
Naghugas ng kamay sabay punas ng mukha.

Bandang alas nueve treinta nitong umaga,
Kumpleto na ang lahat at ng buong entrada.
Bumanat na si Haiyan pinasiklaban na sila,
Kaya ang unang banat si Haiyan ang kumanta.

Sobrang dumi ng kubeta pati na kusina,
Parang walang tao, walang bang nakatira?
At ang sahig ninyo talagang nanggigitata,
Yan ang banat ni Haiyan walang nakapagsalita.

Inyong lingkod sa narinig ay napikon,
Binalak magsalita ngunit pinilit huminahon.
Itong si Haiyan tila ba naghahamon–
Kaya sige lang go on lang ng go on.

Betcha by golly wow! biglang may umalma–
'Di nakapagpigil talagang nagsalita.
Tinapatan si Haiyan at kanyang sinopla,
Sya ri'y bumanat eto kanyang litanya.

"Hoy! wag ka masyadong pintasera,
At baka sa akin ay abutin ka na".
"Di lahat ng tao dito ay kagaya mo tita",
Kaya mabuti pa ay maglaho ka na.

Haiyan..Hayan! At may nakatapat ka,
Ano sa inaakala mo palagi kang bida?
Ano ngayon napala mo? Eh di nganga,
Lumayas na kasi't istorbo ka na.

Anak ng pusang gala! talagang matigas–
'Di pa rin natinag, humirit pa at nagbigkas
"Pahingi nga ng gatas at lasang bigas,
Inyong kape ginawa yata sa medyas.

O Diyos ko patawarin nyo po ako–
Ganitong klaseng tao baka maisumpa ko.
Kapag di nagtigil tong bruha na ito,
Isang malaking PAK MO ang maibibigay ko.

Thursday, December 19, 2013

Wala ka sa Lolo ko

Laman ng pahayagan at mga balita;
Itong si Lolo nobenta'y nueve na 'ata,
Naakusahan, s'ya ra'y nanggahasa,
Isang menor de edad at batang-bata.

So, ganito nga kasi ang nangyare;
Si Lolo sa edad nya nag beerhouse pa kasi,
Tumagay ng alak ubod ng dame,
Sa kalasingan natulog sa kalye.

Walang kaabog-abog sya'y binulabog,
Ng kabataang tambay madalas mabugbog.
Agad-agad si Lolo ay gumising,
Mabilis na tumayo kahit pa lasing.

Nang ang matanda'y naalimpungatan,
Mabilis tinungo kanyang tahanan.
Habang naglalakad umiral kapilyuhan,
Sa halip na umuwi sinugod ay pondahan.

Umorder ng alak at ng mapupulutan,
Itinuloy ang paginom walang katapusan.
Nainip si Lolo naghanap ng kakwentuhan,
Tumawag ng dalaga agad sya'y tinabihan.

Maya maya pa'y sumigaw ang dalagita,
Kamay daw ni Lolo gumapang sa kanya.
Mula sa kanyang hita hanggang paibaba,
At di pa raw nasyahan sya'y pinabukaka.

Tao sa paligid agad nagtayuan,
Nilapitan si Lolo upang mapigilan.
Agad syang inilayo dagli syang hinawakan,
At yung iba pa nga gusto syang upakan.

At ang pangyayari napunta sa husgado.
Dalaga'y nagdemanda hinabla si Lolo.
Lahat ng kahalayan sa kanya'y ibinato.
Nagulantang ang lahat lalo na si Lolo.

At mabilis na nangatwiran itong si Lolo,
Pinabulaanan ang lahat nang sa kanya'y ibinato.
Dalaga ra'y sinungaling at sadyang manloloko,
Dahil 'di raw tumayo ang kanyang testigo.