Saturday, December 21, 2013

Pass Ako..Pasko..Sakto

Bawat sulok ng mundo'y ibang iba na,
Malamig na simoy dadampi na sa mukha.
Magagandang himig talagang naglipana,
Yan ang pasko ano at handa ka na ba?

Nabanggit ko ang pasko tara na't himayin,
Ano ba talaga ang ibig sabihin?
Meron bang kahulugan sa'yong damdamin,
Sige nga! at ating ng isa isahin.

Sabi nga ni Lolo pasko raw ay para sa bata,
Sabi naman ng iba'y para rin sa matanda.
Kahit pa nga sa may ngipin o wala.
Sa lalaki't babae gayun din sa bakla.

Noong ako ay bata at lalapit kay Ninong-
Laging tanong sa 'kin, "Ano ginagawa ko roon?"
S'yang sagot ko naman "Pasko po ngayon!"
Oo nga anak kaya ,"Pass ako ngayon."

Pasko sa kanya yan ang meaning,
Wala kaming matanggap kahit isang kusing.
Kahit pa nga kami sa kanya'y maglambing,
Wa epek pa rin at umuuwing crying.

Kaya ng magka-isip naiba ang pananaw,
Pasko pala ay kawangis rin ng ilaw.
Na sa ating puso'y nagbibigay tanglaw.
At sa ating damdamin, yang ang malinaw.

Pasko'y hindi lamang para sa regalo,
Na iyong matatanggap sa twing sasapit ito.
Lalong hindi sa perang maaginaldo,
At sa magarang damit, Oh! Ano gets mo?

Eto ang malinaw at tiyak na sakto,
Kuhulagan ng pasko, yan ay si Kristo.
Kaya matuto ka na kilalanin ito,
Sisiguruhin ko sa iyo araw araw ay pasko.



No comments:

Post a Comment