Tuesday, December 24, 2013

Miss Inter-RATIONAL...Nga!


Bea Rose Santiago Miss International Philippines 2013 Crowned.
Photo Credit: Bb. Pilipinas
Image taken from www.starmometer.com

Sikat na sikat ngayon ang isang bulaklak,
Dahil sa parangal sa isang patimpalak.
Buong bayan sa kanya ay pumapalakpak,
Hatid sa ating puso ay tunay na galak.

Yes mga Sir! at mga Ma'am kayo ay tumpak,
Nasungkit ang korona at 'di ito pilak.
Ang pang-unang parangal ay kanyang tinanggap,
'To'y bunga ng pagsasanay at paghihirap.

Ngunit may ilan sa 'tin na mga kritiko,
Kinaawaan daw lamang kaya nanalo.
Ayos! Susmaryosep! Ano ba naman kayo?
Panalo na gusto n'yo pa yata'y matalo.

Dapat magpasalamat sa ating natamo,
Paminsan-minsan lamang ang katulad nito.
Kaya sana'y magsipag-saya na lang kayo.
At kinilala na naman ang Pilipino.

Ipagpalagay natin na kinaawaan,
At sila na siguro ang may kasalanan.
Dahil doon wala na tayong pakialam,
Dahil sila naman ang magmumukang hunghang.

Parangal na tinanggap ating karapatan,
Karapat-dapat lamang dahil pinaglaban.
Kanyang pinaghandaan at pinagsanayan,
Upang makamit lamang unang karangalan.

Mga kritiko manahimik na lang kayo,
Personal na buhay asikasuhin ninyo.
At kung ayaw makipag-saya na lang kayo,
Dahil tagumpay na naman ang lahing Indio.

Nagpapakwela lamang po ang lingkod ninyo,
At kung si Boy Abunda ang nanalo rito.
Maisip kayang KINAHABAGAN  lang ito,
Ang sa tingin ko ay HINDI, tyak na NILUTO!.


RATIONAL: based on or in accordance with reason or logic.

No comments:

Post a Comment