Tuesday, December 24, 2013

KalbU-TUBE

Medyo matagal na itong isyu na ito,
Naisip lamang bigla at tungkol kay kalbo.
At nasa-saan na kaya itong komiko?,
Bakit 'di pa lumabas pas'yahin ang tao?.

At naging kontrobersyal ang kanyang ginawa,
Nakita ng publiko kanyang paghilata.
Nabastusan daw ang mga relihoyoso,
At panukala nila dalhin sa Senado.

Sabihin na nating nagkamali si kalbo,
Alam naman ng lahat na walang perpekto.
Lahat tayo'y nagkakamali't kahit na sino,
Pupwedeng humingi ng tawad at magbago.

Bigyan natin sya ng isang pagkakataon,
Hayaan nating muli s'ya ay makabangon.
Nakalimutan n'yo na ba? at kada-hapon,
May hatid s'yang ligaya na kaniyang baon.

Para naman sa'yo kalbo kumilos ka na,
Humingi ng tawad sa'yong pagkakasala.
Unahin mo ang DIYOS sa iyong listahan,
Pangalawa sa lahat ang naapektuhan.

Siguruhin mo lang na ikaw ay sinsero,
'Pag namali muli may tama ka sa ulo.
'Yan ang tiyak na aabutin mo sa TRIO
Kaya kung ako sa'yo gawin ng TOTOO.

Ito ay  payo lamang na may kapilyuhan,
At kung uulitin nagawang kamalian.
Siguraduhin lang na kami'y masi-syahan,
Ka-DUO naman ang isama try mo minsan.-NGEK!

No comments:

Post a Comment