![]() |
Image taken from Google.com |
Alas-Dose ng tanghali, nang biglang
atakihin ng matinding pagkahilo si Marsha, at napasandig na lamang ito sa pader
ng kanilang kusina. At sa mga sandaling iyon, lubos ang pangambang kanyang nararadaman,
dahil wala niisamang tao sa bahay maliban sa kanya. Kaya, kahit halos ‘di
maihakbang ang mga paa’y pilit nyang tinungo ang kanyang kwarto upang kumuha ng
gamot. Pero dahil sa tindi ng kanyang pagkahilo, isang hakbang pa lamang ay
agad s’yang napatumba sa sahig. Walang magawa si Marsha kundi ang umiyak na
lamang habang nakahandusay. At sa mga sandaling iyon, ay unti-unting bumalik sa
kanyang alaala ang lahat ng kanyang mga nagawa makamit lamang ang karangyaan sa
buhay.
Si Marsha ay ipinanganak sa isang
skwater erya sa sentro ng Maynila. At kahit sa ganitong lugar sya isinilang,
naging simple at maayos naman ang takbo ng kanilang pamumuhay. Gipit man sa
lahat ng bagay ay pilit silang itinaguyod ng kanilang mga magulang. Kahit pa
ang pinakamabigat na hanap-buhay ay pinasok ng kanyang Ama makapaguwi lamang ng
pera na galing sa malinis na paraan. At ang kanyang Ina nama’y halos suyurin
ang mga tahanan ng ilang nakaka-angat sa buhay upang mamasukan at tumanggap ng
mga labada. Pero, mataas ang pangarap ni Marsha at di nya matanggap ang klase
ng kanilang pamumuhay kaya sa mura nyang isipan nangarap ito na makaalis sa
kanilang lugar at magkaroon ng marangyang buhay. Dahil sa pagnanais nyang maka-ahon
sa hirap- napabayaan ni Marsha ang kanyang pag-aaral at napasama sa grupo ng
sindikato na nagtutulak ng bawal na gamot. Dito na sa puntong ito unti-unting
naabot ni Marsha ang kanyang mga pangarap, nagkamal s’ya ng salapi at ‘di na
nya alitana na ito ay galing sa masamang paraan. Naging matunog ang kanyang pangalan
at kinilala sya sa kanilang lugar. Dahil animo ulan kung bumuhos ang pera na
galing sa bawal na gamot naging gahaman si Marsha at binalewala ang pangaral ng
kanyang mga magulang at pilit na naghangad na magkaroon ng marangyang buhay
kahit pa sa pinakamasamang paraan.
Naging mabilis ang mga pangyayari
para kay Marsha at naging ganap na ang lahat ng kanyang pinangarap, simula ng
sya’y musmos pa lamang. Umunlad ang kanyang pamumuhay, nabili ang lahat ng
kanyang naisin, nakain ang pinakamasarap na pagkain, nakarating sa pinakamagagandang lugar,
nagkaroon ng mga kaibigan ngunit ‘di nya inalintana na ang lahat ay galing sa
masamang paraan na simusira naman ng kinabukasan ng iba. Masasabing naging
buhay reyna si Marsha at halos sambahin s’ya ng kanyang mga naging kaibigan.
Pero sa kabila ng kasaganaang tinatamasa, may lungkot na nagtatago sa kanyang
mga mata. Tuluyan syang tinalikuran ng kanyang magulang at mga kapatid dahil
hindi matanggap ng kanyang pamilya ang kanyang naging kasamaan sa pagtupad ng
mga pangarap. At ito na marahil ang nagtulak sa kanyan upang gumamit na rin ng
ipanagbabawal na gamot,,maliban sa pagtutulak nito.
Dala ng kalungkutang itinatago sa
kanyang dibdib,nalulong si Marsha sa paggamit ng bawal na gamot. Nalunod si Marsha
at unti-unting nalubog ang kanyang mga paa sa putikan. Naging mailap ang lahat
sa kanya, kahit pa ang pinakamatalik nyang kaibigan ay tinalikuran na rin s’ya.
Animo isang malakas na bagyo ang dumating sa buhay ni Marsha nang unti-unting
mawala sa kanya ang lahat. Sa puntong ito ay nagpasya si Marsha na tumiwalag sa
sindikato at magbagong buhay, ngunit kagaya ng ilang mga bawal na orginasisyon
naging mahirap para sa kanya ang humiwalay sa mga ito. At nagkaroon ng banta sa
kanyang buhay.
Pero sa kabila ng panganib sa
paghiwalay n’ya sa sindikato, nagawa ni Marsha na magpakalayo-layo at mamumuhay
ng tahimik. Nagtungo sya sa isang lugar na walang nakakikilala sa kanya.
Hanggang isang araw, sa ‘di sinsasadya ay nakilala nya si Baldo, na isang
matuwid at malapit sa Diyos na tao. Dito na lubusang nakapagbagong buhay si
Marsha at sa tulong ni Baldo nagawa nitong mailapit si Marsha sa gabay ng
Panginoon. Ilang taon din ang lumipas naging maayos at mapayapa ang lahat para
kay Marsha, nagkaroon sya ng masayang pamilya, at nabiyayaan ng isang anak.
Lubos ang naging kaligayahan sa
puso ni Marsha. Pero, tila kakambal niya ang kamalasan. Muli ay dumating ang
isang pagsubok sa kanyang buhay. Isang umaga sa kanyang paghahanda ng babauin
ng kanyang mag-ama ay bigla sya nakaramdam ng pagkahilo. Sa una’y binalewala
nya ang nararamdaman. Ngunit nagpaulit-ulit ito, kaya nagpasya siyang pumunta sa doktor upang magpatingin, at dito
nya natuklasan na may bukol sya sa kanyang utak at may taning na ang kanyang
buhay. Inilihim n’ya kay Baldo at sa kanyang anak ang kanyang karamdaman.
Hanggang sa lumipas ang bawat araw, na palihim niyang tiniitiis ang sakit na
nararamdaman. At dito naisip ni Marsha na ang lahat pala ay makatapusan, na ang
lahat ay magwawakas sa isang pitik lamang ng daliri ng Diyos. At dito rin nya
naramdaman ang sakit- kapag ang langit ay naningil.
Alas-Dose ng tanghali ng huling
atakihin ng pagkahilo si Marsha, at nakahandusay s’yang inabutan ni Baldo at ng
kanyang anak sa kanilang tahanan.
-wakas-
No comments:
Post a Comment