![]() |
Image taken from www.123rf.com Oh! Ano gets nyo? BE NICE nga 'di ba! |
Tumabi - tabi ka na at daraan na sya,
Itaas na ang harang at parating na;
kumilos na habang maaga-aga pa,
baka abutan ka eh! tamaan ka nya.
Napanood lamang po ng inyong lingkod-
Isang eksena malapit-lapit sa bakod.
Talagang nagulantang sa aking nakita,
Kakaibang eksena mga Guards ang bida.
Laman ng balita ang bawat eksena;
Sa YouTube nga, usyoso'y nag-Fiesta,
Kitang-kita sila't kanilang harapan,
Yung isa pa nga gusto ay barilan.
Gwardiya at politiko ay nagtagpo;
Sila'y nagbangayan dahil sa isang pinto,
Ang siste, ayaw daw silang paraanin,
Bodyguard ni Boss nagkarga ng magasin.
Eto pa nangyari at hagip ng CCTV;
Bumaba isang babae suot ay Fancy,
Mukhang sabi pa "Wait! I can't see,"
Anong gulo ito? Ano ba nangyare?
Itong si Boss hinugot kanyang phone;
At tumawag sa kanyang mga Pawn,
Dating agad, dinipensa kanilang Throne,
at mga Guard hinulog sa kahon.
Ganto ba dapat kung ika'y nasa itaas?
Di ba dapat mas umiwas sa pintas;
Lalo na't POLITIKO at pwesto'y mataas,
Di ganyan dapat ang sa inyo'y maranas.
Katungkulan ninyo ang magsilbi-
At lalong hindi ang panggugulpi;
Ng taong aba at talaga namang api,
"Be Nice" Boss para everybody Happy.
No comments:
Post a Comment