Saturday, December 21, 2013

Haiyan...Hayan!

Alas otso 'y media Sabado ng umaga,
Ako'y nagulat at biglang napatayo na,
Malakas na ingay narinig ng tenga,
Hayan! Naku po! Bagyo ay heto na.

Oo! Korek ka dyan! At bagyo nga po–
Biglang sumulpot at di naglaho,
Nagbuga ng hanging animo'y delubyo.
Taob ang tamaan at di na makatayo.

Pagpasensyahan na po aking mga kataga,
At baka makagamit ng masakit na salita.
At talagang asar na itong may akda,
Kundangan naman kasi dito pa bumaba.

Tinamaan ng lintik di kaya nag-iisip,
Dito pa umistambay talagang sumiksik.
Naglibot sa kabahayan lahat ay sinilip,
Binagyo ang lahat kahit pa ang nagiisleep.

So, ako ay bumangon at nagalis ng muta,
Lumabas ng kwarto't dumiretso sa kusina.
Naghugas ng baso at isang kutsarita,
Naghugas ng kamay sabay punas ng mukha.

Bandang alas nueve treinta nitong umaga,
Kumpleto na ang lahat at ng buong entrada.
Bumanat na si Haiyan pinasiklaban na sila,
Kaya ang unang banat si Haiyan ang kumanta.

Sobrang dumi ng kubeta pati na kusina,
Parang walang tao, walang bang nakatira?
At ang sahig ninyo talagang nanggigitata,
Yan ang banat ni Haiyan walang nakapagsalita.

Inyong lingkod sa narinig ay napikon,
Binalak magsalita ngunit pinilit huminahon.
Itong si Haiyan tila ba naghahamon–
Kaya sige lang go on lang ng go on.

Betcha by golly wow! biglang may umalma–
'Di nakapagpigil talagang nagsalita.
Tinapatan si Haiyan at kanyang sinopla,
Sya ri'y bumanat eto kanyang litanya.

"Hoy! wag ka masyadong pintasera,
At baka sa akin ay abutin ka na".
"Di lahat ng tao dito ay kagaya mo tita",
Kaya mabuti pa ay maglaho ka na.

Haiyan..Hayan! At may nakatapat ka,
Ano sa inaakala mo palagi kang bida?
Ano ngayon napala mo? Eh di nganga,
Lumayas na kasi't istorbo ka na.

Anak ng pusang gala! talagang matigas–
'Di pa rin natinag, humirit pa at nagbigkas
"Pahingi nga ng gatas at lasang bigas,
Inyong kape ginawa yata sa medyas.

O Diyos ko patawarin nyo po ako–
Ganitong klaseng tao baka maisumpa ko.
Kapag di nagtigil tong bruha na ito,
Isang malaking PAK MO ang maibibigay ko.

No comments:

Post a Comment