 |
Image taken from Google.com |
Tahimik na nakamasid si Rod sa lawak ng karagatan habang nakatayo
malapit sa daungan ng barko. Pigil ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata,
habang dinaramdam ang katagang narinig mula sa kanyang asawa.
'Di lubusang matanggap ni Rod ang mga katagang "Wala Kang
Kwenta..Alam mo ba!" Ganyan na lamang ang sakit na idinulot sa puso nito,
ng sila’y magtalo ng kanyang asawa kaninang umaga. Di n’ya lubos maisip, na sa
kabila ng kanyang pagsusumikap ay nagawa pang ipamukha sa kanya na walang
halaga ang lahat ng kanyang ginawa. Taon din ang tiniis ni Rod sa ibang bansa,
mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanyang may-bahay.
Habang sya'y nagpapalipas ng sama ng loob sa daungan ng barko, sa
'di kalayuan, ay may naaninaw s'yang isang envenlope. Agad nya itong nilapitan
at dinampot. Nagpalinga-linga si Rod sa paligid upang tingnan kung may taong
nakaiwan ng envelope sa daungan. Ngunit wala ni isa mang tao sa lugar maliban
sa kanya. Kaya, kanya itong iniligay sa kanyang bulsa at nagsindi ng sigarilyo
habang patuloy sa kanyang pag-iisip tungkol sa naging alitan nilang mag-aswa.
Nakailang stick na rin ng sigarilyo at inabutan na rin ng paglubog
ng araw si Rod, nang magpasya itong umuwi ng bahay. Habang naglalakad pauwi, patuloy
na naglalaro sa kanyang isipan kung sino ang nakaiwan ng envelope sa daungan.
Agad nya itong dinukot sa kanyang bulsa upang usisain kung may nakasulat man
lamang na pangalan o address ng nagmamay-ari. Pero, isang puting-puting
envelope lamang at wala ni isang letra ang nakasulat sa labas nito.
Kaya minabuti na lamang ni Rod na buksan at alamin kung ano ang
nilalaman ng puting envelope. Bago pa man umpisahang basahin ni Rod ang sulat,
agad na syang nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib. At sa pagbuklat sa sulat
agad tumambad sa kanyang mga mata ang pangalang R.O.D.O.L.F.O
RODOLFO
Sa una'y inakala ko na magiging masaya ako sa desisyon na muling
sumama sa iyo at buo ng isang pamilya, at hindi naman ako nagkamali. Hindi
naging madali sa ating dalawa ang paguumpisa bilang mag-asawa. Maraming naging
pagsubok ang dumating sa ating buhay at nanatili pa rin tayong matibay at
matatag. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang magiging takbo ng buhay natin.
Noong magpasya kang umalis at pumunta sa Gitnang Silangan naghahalong saya at
kaba ang nararamdaman ko sa dibdib. Saya dahil matutupad ang isa sa mga
pangarap ko na umulad ang takbo ng buhay at kaba na baka bigla ka na lamang
mawala at sumama sa piling ng iba. Ilang taon na rin mula ng umalis at
makipagsapalaran ka sa ibang bansa. Noong una'y pilit kong nilalabanan ang
pangungulila ko sa iyo at nakuntento sa mga tawag at text messages mo. halos
dalawang taon din ang ganitong sitwasyon natin. Palagi akong nanabik na
gumising sa umaga upang antayin ang mga tawag at text messages mo. Lubos na
kagalakan ang nararamdam ko sa twing mababasa at maririnig ko ang lahat ng
nilalaman ng puso mo. Napawi mo rin ang kaba na nararamdaman ko, na baka ka na
lamang mawala sa buhay ko. Pero sa di sinasadyang pangyayari, aksidenteng
nagkita kaming muli ng dati kong kasintahan. Nagkamustahan at nagkwentuhan
tungkol sa buhay. Hanggang sa nasundan ang aming pagkikita. Noon ay inakala kong
simpleng pagkikita lamang ang aming ginagawa pero di ko namalayan na muli na
palang nahuhulog ang loob ko sa dati kong kasintahan, hanggang sa may nangyari
sa amin. Sinubakan kong sabihin sayo habang ikaw ay nasa Gitnang Silangan, pero
hanggang sa ngayon, nababalot pa rin ako ng takot na baka sumbatan mo ako sa
aking ginawa. Nang muli kang tumawag sa akin upang sabihin na ikaw ay babalik
na sa Pilipinas, mas lalo akong pinanghinaan ng loob na sabihin sayo ang
kasalanang aking nagawa. Inisip ko na lamang na itago ang nagawa kong
pagtataksil pero patuloy pa rin akong inuusig ng aking damdamin. Wala na akong
mukhang maihaharap sayo. At hingin ko man ang kapatawaran mula sayo, alam kong
mahihirapan kang ibigay ito dahil sa sakit na idinulot ko sayo. Kaya sumama na
lamang ako sa dati kong kasintahan at magpasya na magkita kami sa tabing dagat
malapit sa daungan ng barko. Alam kong masakit ang aking ginawa, hayaan mong
kahit sa sulat na ito'y hingin ko ang iyong kapatawaran, Hanggang dito na
lamang at hangad ko ang iyong tunay na kaligayahan, na hindi ko naipagkaloob sa
iyo.
SELYA
At hindi na namalayan ni Rod na nakarating na pala siya sa
kanilang bahay bago pa n'ya matapos basahin ang nilalaman ng sulat.
Walang mapagsidlan ng galit si Rod sa kanyang dibdib.
Agad syang nagtungo sa kwarto at kinuha ang kalibre .45. Akala mo
isang demonyong iniisip kung paano n’ya paghihigantihan ang kataksilang ginawa
ni Selya.
Hanggang sa nabalot ng
katahimikan ang buong paligid.
Nabuo sa isip ni Rod na kaya pala halos ipagtabuyan sya ni Selya ay
dahil hindi nito masabi ang katotohanan tungkol sa kanyang pagtataksil. At
sinadya niyang siya’y galitin upang makahanap ng dahilan at sya’y tuluyang
iwanan.
At sa hindi inaasahan, biglang bumalik si Selya sa kanilang
tahanan, upang personal na humingi ng tawad kay Rod sa kataksilang kanyang
ginawa bago sya tulyang lumayo.
Pero bago pa man sya makapasok ng bahay.
Agad nyang nakita ang puting envelope sa sahig, na kanyang naiwan
sa tabing dagat malapit sa daungan ng barko.
Ilang saglit pa'y nakarinig na lamang sya nga isang malakas na
putok ng baril mula sa kanilang kwarto.
Huli na para kay Selya na humingi ng tawad at pagsisihan ang
lahat. Sa pagalingawngaw ng isang malakas na putok ay tinapos na ni Rodolfo ang
sarili n'yang buhay bago pa nya magawang paghigantihan si Selya sa kanyang
kataksilan.
At sa may tabing dagat malapit sa daungan ng barko
Tulalang nakatayo si Selya, habang binabalikan sa kanyang isip ang
tamis ng pagmamahal ni Rodolfo na kanya lamang sinayang.
-wakas-