![]() |
Image taken from Google.com |
lahat ay gagawin basta't ito'y makamtan,
'di na alintana- kung may masagasaan,
makamit lamang- minimithing kayamanan.
Halos lahat yata ng tao- dito sa mundo;
maging Kano, Hapon- at maging Filipino,
tanging hinangad ay magkaroon ng yaman,
umangat lamang ang kanilang kabuhayan.
Hindi masama kung ikaw ay maghahangad;
ng anumang yaman- nang buhay ay umunlad,
kung ito'y inyong- tunay na paghihirapan,
pagbuhusan ng panahon at pagpawisan.
Sana'y 'wag kalimutan- aking kaibigan;
ng dahil lang- sa kaunting kayamanan,
sisirain- ang malinis mong pangalan,
magkaron lang ng pera't bulsa'y magkalaman.
Alalahanin sana at laging tandaan;
ipasok sa puso- at maging sa isipan,
kayamanang hangad mo'y- palamuti lamang,
'di mabibili- tunay na kaligayahan.
'wag sanang limutin- ang tunay na dahilan;
Pera't kayamana'y- palatandaan lamang,
ng iyong estado't katayuan sa buhay,
at 'di ng pagkataong- iyong tinataglay.
No comments:
Post a Comment